Biyernes, Setyembre 28, 2012

Sa Lupa ng sariling Bayan

    Sa Lupa ng Sariling Bayan

Labels: 
Sa Lupa ng Sariling Bayan
(Ni Rogelio R. Sikat)
Walang hindi umuuwi sa atin. Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan.

Namatay ang kanyang ina noong siya’y limang taong gulang lamang. Di naglipat-taon, sumunod na namatay ang kanyang ama,. Siya’y inampon ng isang amain - ang kapatid ng kanyang ama sapagkat wala nang ibang sa kanya’y mag-aampon.

Dalawang pera lang ang hihingin niya noon sa kanyang Tata Indo ay kailangan pa niyang maghapong umiyak.” Sa ganitong pangungusap malimit ilarawan ni Ama ang kakuriputan at kabagsikan ng amaing iyong nag-ampon kay Layo. “Kaya ang gagawin ng Layong iyan ay paririto sa iyong ina sasabak ng iyak. Ku, kumakaripas pa ng takbo iyan kapag nabigyan ng ina ng tatlong pera.

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng batang iyong binabanggit ni Ama: Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na sa mga kinikilalang manananggol sa lunsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang kumuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty. Pedro Enriquez. Sasabihin ng abugado na talagang magaling ito ( topnotcher yata iyan, sasabihin sa iyo ng abugado): sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigpit sa klase ( si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga-San Roque ang minsa’y ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo: isa sa Escolta, isa sa Echague ( sa itaas ng isang malaking hotel doon), at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo noon ngayon.


Bago siya naratay ay umuwi siya sa amin sa San Roque, Bakasyon noon at nasa San Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak. Sakay sila ng isang kotse- bihirang mapasok ng kotse ang San Roque. Sa tapat ng aming maliit na bahay huminto ang kotseng iyon.

“Galing kami sa San Fernando ( ang bayan ng kanyang asawa), at nagyaya si Ising at ang mga bata rito. Gusto raw nilang makita itong San Roque.” Ayaw umuwi ni Layo sa aming Bayan: totoo nga marahil na ang pinakamapapait na hinanakit ay inilalaan ng isang nilikha sa kanyang sariling bayan: hindi pa nakakalimutan ni Layo ang kanyang mga hinanakit sa San Roque - kahit ngayong maluwag na ang kanyang buhay.

Hindi sila gaanong nagtagal sa amin sa pagdaraang iyon. Pagkainom nilang mag-anak ng inuming pampalamig ay nagpaalam na sila. Sumakay sila sa kotse at mula noon ay hindi na nagbalik.


Gayon man, malimit pa rin silang magkita ni Ama sa Maynila. Si Ama ay isang retiradong guro. Isang kumpare niya ang magpapatulong sa isang kaso sa manahan. Hinahabol ng kanyang kumpare at ng mga kapatid nito ang isang malawak na lupa sa San Jose na itinatayang hihigit sa kalahating milyong piso nag halaga. Inirekomenda ni Ama si Layo sa kanyang kumpare at dito nila inilapit ang kaso kadastral na iyon.

Tuwing maluluwas si Ama at kanyang kumpare ay dumaraan sila sa tinutuluyan kong bahay – pangaserahan. Sinasamahan ko sila sa pagpunta kina Layo.

Marami akong nalaman sa pagsama-sama kong ito sa opisina ni Layo. Malaki na pala ang bahay ni Layo sa Quezon City. Malawak pala ang kanyang lupa sa Isabela. Siya pala ang umusig kay gayo’t ganitong tao. Siya pala ang abugado ng malaking korporasyong iyon.

Tanyag na nga at matagumpay si Layo.

Ngunit ang hinanakit sa San Roque ay hindi pa rin nalilimutan. 


“Ni puntod ni Ama’t Ina ay di ko madalaw,” minsa’y nasabi sa amin ni Layo. Nagpauna noong umuwi sa Kalookan ang kumpare ni Ama at kami’y isinama ni Layo sa kanyang bahay. Doon nang kami na lamang ang magkakaharap, ay nakabitiw siya sa kanyang mga kilos, gawi at salitang abugado. Naghubad rin siya ng barong-tagalog at nakakamiseta na lamang sa pakikipag-usap sa amin.


Ang tungkol sa puntod na iyon ng kanyang mga magulang ang hindi malimut-limutan ni Layo. Maliit lamang ang libingan ng San Roque noon; mabuti ngayon at may bakod na’t may malalaking nitso. Marahil, ang puntod ng mga magulang ni Layo, kaawa-awa rin ang kanyang ama’t ina, kung nakabuhayan ba nila ang pagtatagumpay ni Layo ay nakasama sa putol na lupang nabili ni Gallego, ang pinakamayaman sa amin. Ngayo’y may nakatayong poultry ng manok sa dating bahaging iyon ng libingan, isang malaking bahay ng manok sapagkat malaki ang poultry ni Gallego. Sinasabing sa mga dumi lamang iyon ay pinapala ng kanyang mga trabahador sa ibabaw ng mga dating puntod, at ipinagbibili sa mga palaisdaan ng bangos.

Ang katulong na abugado ni Layo. Dinaraanan pa rin ako ni Ama sa bahay-pangaserahan. Iyon ang bilin ko sa kanya; matanda na si Ama at natatakot akong baka sa pagtawid-tawid niya ay matumbok na lamang siya sa sasakyan. Madalang na niyang makasama ngayon ang kanyang kumpare; naisaloob marahil ng kanyang kumpare na totoong nakaabala na siya kay Ama kung kaya siya na lamang ang sumama sa abugado sa mga bisita.

Dinadalaw namin ni Ama si Layo, na itinuturing na ni Amang pamangkin, hindi dahil sa nais naming tumunton ng isang mayamang kamag-anak ( dumarami ang kamag-anak ng isang tao kapag mayaman na siya), kundi dahil si Layo na rin ang tumunton kay Ama at sa amin bilang mga kadugo.

“Kayo lamang ang matutunton kong kamag-anak sa San Roque ,” minsa’y sinabi niya sa aming mag-ama. “ Kayo lang, Tiyo Julio , Ben.” 


Malaki ang ipinangangayat ni Layo mula nang siya’y magkasakit. Ngayo’y maputlang-maputla siya. Malimit namin siyang datnan na mahaba ang balbas. Maliit siyang lalaki at lalo pa siyang lumiit sa tingin ko nang siya’y magkasakit. Lalo namang lumaki ang kanyang ulo. ( Marunong talaga ang Layong iyan, malimit sabihin ni Ama, iyon ba namang laki ng ulong iyon!)


Sa isang pribadong silid sa ospital siya nakatigil. Hindi siya iniwan doon ng kanyang maybahay . Kung minsan, naroon ang isa niyang anak, si Fe, ang bunso. Walang imik ang may bahay ni Layo. Dati raw itong modista sa San Fernando. Ngayon ngang maratay si Layo, mga kamag-anak lamang nila sa panig ni Ising ang dumadalaw sa kanya.

“ Walang napaparitong taga-San Roque?” minsan ay itinanong ni Ama.


“ Hindi ko sila hinihintay Tiyo Julio.”

Ang tungkol sa kanyang tunay na karamdaman ay kamakailan lamang namin nalaman. Kinausap ni Ama ang doktor na tumitingin sa kanya. Malaki na raw ang naputol na bahagi ng kanyang bituka.

“Sana’y nakasama na roon ang bahaging may kanser,” sabi ng manggagamot.

Yaon ay sa pangalawang pag-opera kay Layo.

Hindi na niya kinakailangan ang ikatlong operasyon. Nang muli naming kausapin ang doktor,sinabi nitong laganap na ang kanser sa kanyang bituka at tatlong buwan na lamang ang pinakamahabang itatagal ng kanyang buhay.

Ang sabi ni Ama’y may tatlumpu’t pitong taong gulang lamang si Layo. Nang kami’y pumasok sa silid ay mataman ko siyang pinagmasdan. Kay bata pa niya upang mamatay. Tanyag siya ngayon, ngunit hindi pa niya naaabot ang tuktok ng katanyagan. Sino ang makaaalam , nasabi ko nga kay Ama nang kami pauwi na, kung magiging hukom siya balang-araw?

Sa loob ng tatlong buwan na ibinigay na taning ng manggagamot ay malimit naming dalawin si Layo. Gusto ni Layo na lagi naming dinadalaw. Kapag may isang linggo namin siyang hindi madalaw, naghihinakit na siya. Kami’y raw ba’y nagsasawa na sa pagdalaw sa kanya?

“ Naiinip kami rito, Tiyo Julio.” sabi niya kay Ama.

Nagtaka pa ako nang malaman kong alam ni Layo ang kanyang sakit.

May kanser pala ako. Tiyo Julio, ay di ko nalalaman” pabiro niyang sabi kay Ama. “ Ang buhay nga naman, oo,” bahagya siyang tumawa, “kay lakas-lakas kong tao’y may kanser pala ako.”

Sinabi niya iyon na parang iyon ang pinakakaraniwang bagay na kanyang masasabi. Natingnan ko tuloy si Ising na nasa silid din at naririnig ang aming pag-uusap. Ano kaya ang nasa loob ni ising? Naka-upo si Ising sa sopang naroon. Nang pumasok kami at patuluyin ni Ising ay tila iiyak ito. Ngayon nga narinig niya ang sinabi ni Layo ay tahimik siyang nagpapahid ng luha…

“Akala ko’y ulser lang noong una. Hindi pala. Ito pala ang pinakamabagsik. Bakit kaya naman ako ang pinakapili-pili nito, ha. Tiyo Julio."

“Nakalimot ka sigurong kumain noon,” sa kawalan ng nasabi ni Ama.

Tumingin sa kisame si Layo. “hindi nga ako nakapagkakain noon, Tiyo Julio,” aniya. “Napaggugutom ako. Trabaho sa araw, aral sa gabi. Nakapagtrabaho pa ako noon sa diyaryo, a” baling niya sa akin sapagkat alam niyang interesado ako sa trabaho sa peryodiko. Journalism ang aking tinapos “City Editor na ako noon,” aniya at binanggit ang isang maliit, malinis, ngunit patay nang pahayagan, “nang ako’y magbitiw. Mahirap, mahirap na buhay iyang buhay ng manunulat.”


Wala kaming sukat masabi ni Ama kaya siya ang pinabayaan naming magsalita. Nahihirapan siyang magsalita, ngunit nakikita naming ibig niyang magsalita. Parang nakatutulong iyon sa kanya; parang nakababawas iyon sa tinitiis niyang kirot.

Tumawa ng mahina si Layo.

“Kangina’y pinag-usapan namin itong si Ising, Tiyo Julio,- oy, Ising, sinasabi ko sa kanila iyong sinabi ko sa iyo kangina - kung saan ako ililibing. Dito sa Maynila, ‘ka ko, gusto kong dito sa Maynila malibing.”

“Huwag na nga nating pag-usapan iyan,” sansala ni Ama. “Ikaw ang kung anu-ano ang pinagsasabi mo.”

“Hindi nga, Tiyo Julio, hindi ko na inaasahang bubuti pa ako,” nakangiti pa ring pakli ni Layo. “Huwag ninyo ako ililibing sa San Roque, Tiyo Julio, huwag. Dito sa Maynila”

Tumayo si Ama. “Aalis na kami ni Ben, hala ka.”

Tumaas ang maputla at batuhang kamay ng nakangiti pa ring si Layo.

“Ang Tiyo Julio naman,” ani Layo at bahagyang umiling. “Siya,” aniya at tiningnan ako, “iba na ang ating pag-uusapan, takot ang Tiyo Julio. Nakapaglalathala ka na ba,Ben?”

Hindi ko siya sinagot. Marami akong naiisip habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko sa kanya ang paghahangad na maging matatag sa harap ng nalalapit na kamatayan, ngunit bigo ang hangarin niyang maging matatag. Bigo ka, Layo, bigo ka. Natatakot ka rin, nagtatapang-tapangan ka lang. Bakit hindi mo pa amining takot ka? At itong libing sa San Roque. Kung ayaw mong mailibing doon ay bakit lagi mong binabanggit?”

“Palaisip itong si Ben,” itinuro ako ng maputlang hintuturo ni Layo, “makasusulat nga siguro ito.” Kay Ama naman siya tumingin. “Dalas-dalasan naman ninyo ang dalaw, Tiyo Julio. Sa amin na kaya kayo umuwi, si Ising lamang at ang mga bata ang naroroon? Baka nahihirapan kayong umuwi sa probinsya.”

Ipinangako na lamang ni Ama na lagi namin siyang dadalawin.

Mahinang-mahina na si Layo nang siya’y muli naming dalawin. Paos ang kanyang tinig at halos hindi na niya maigalaw ang mga kamay.

Ngayo’y wala na ang kanyang tatag. Umiiyak siya ngayon.

“Kaawa-awa naman itong Ising,” sabi niya, “Kaawa-awa naman ang aking mga anak. Kayo na, Tiyo Julio, Ben ang bahala sa kanila. Kayo na, ang bahalang tumingin sa kanila.

Kay Ama niya inihabilin ang paglilibing sa kanya. Dito sa Maynila, sinabi na naman niya. Mag-iisa akong malilibing dito, Tiyo Julio, ngunit gusto kong dito malibing.

“Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang hinanakit mo’y kalimutan mo na. Masama iyang babaunin mo pa ang mga iyan.”

“Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang libing ni Ama’t ina? Wala akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.”

Tumungo ang maputing ulo ni Ama; pati siya’y ibig na ring maluha sa sinasabi ni Layo.

“Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika, pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang malibing dito sa atin.

“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio.”

“Wala ngang hindi umuuwi sa atin, sa kanyang bayan, Layo. Ikaw man ay uuwi rin.”

Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan, ibig ko ring sabihin kay Layo. Maaaring narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay na pabalik doon. Maaaring naging mapait ang kabataan mo roon, ngunit huwag mong sabihing ikaw ay di babalik.

Ngayo’y hindi siya nakatingin sa akin, ni kay Ama, ni kay Ising. Nakatingin siya sa kisame. Nakaangat ang kanyang baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang mga mata. Alam kong naglalakbay ang kanyang diwa: marahil, nalalaman ko kung saan naglalakbay iyon. 

Gusto kong isipin na ngayo’y naglalakbay ang kaluluwa ni Layo patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na ngayo’y tila mga tuyong dahon nang malalaglag ang kanyang hinanakit: gusto kong isipin na sa paglalakbay ng kanyang kaluluwa, sa paglalakbay na iyong pabalik, ay nakatatagpo siya ng kapayapaan…

Nalagay sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Layo.

Ang sabi sa pahayagan ay ilalagak daw ang kanyang bangkay sa San Roque.

Ang kabaong ni Layo ay isinakay sa isang itim na kotse.

Mula sa Maynila, naglakbay iyon sa mga bayan-bayan.

Tumitigil iyon sa mga bahay-pamahalaan. Nanaog ang nakaunipormeng tsuper at ipinagbigay-alam ang pagdaraan.

Hapon na nang dumating iyon sa San Roque.

Sa San Roque, marami ang naghihintay na makikipaglibing kay Layo…

Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan.

Repleksiyon:

     Ang kuwentong ito ang nagbigay ng inspirasiyon sa akin dahil nung mabasa ko ang kuwentong ito nalaman ko na kahit anung paghihirap na pagdaanan natin sa ating buhay pag gusto nating umangat' matutupad ito.Bastat manalig kalang sa dioys at sa iyong kakayanang umasenso.
    Bago tapusin ang repleksiyon kong ito  gusto ko lang magpasalamat sa "Gabay ng Mag aaral" dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kuwentong ito" maraming salamat po. 

Sabado, Setyembre 15, 2012

SAan Patungo ang Langaylangayan

       
           Saan Patungo ang Langaylangayan



Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako. 

Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari'y lumalaki, at ako'y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa'y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako'y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako'y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?

Ito ang aking mithi: Paglaya. 

At ako'y nagtatanong: Ano ang paglaya? 

Ang paglaya'y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya'y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya'y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya'y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili? 

Sa salamin, ang larawan ko'y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo'y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno'y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo'y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako'y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang - ang makalaya sa kaalipinan. 

Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito'y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito'y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko'y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano? 

Sa salamin ay naroon ako. 

Ako'y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito'y naganap, nawala ang ligaya, nahalili'y hapis. At ako'y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala. 

Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan. 

Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki'y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari'y tuluyan nang nawaglit? 
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako'y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko'y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso. 
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba't luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa'y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito'y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo't masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito'y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim. 
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki'y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao. 
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka'y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. ("Huwag ninyong kakainin ito." Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya. 
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw - naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit - naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin - naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito'y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha. 
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba't sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan - nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.). 
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo'y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig ("Hayo at magsupling!") kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis! 
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao. 
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan. 
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso'y napalutang na ako, kasama ang sa aki'y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok - pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito'y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao. 
At habang umiinog ang araw - sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo't laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako'y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.). 
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas - tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay. 
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko'y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko'y walang tinig.
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa't isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya! 
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam. 
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.


Repleksyon:
         Ang sanaysay na ito ay pumapatungkol sa isang tao na naging alipin ng kanyang sarili, tayo masasabi ba natin na tayo ay hindi alipin ng ating sarili? ang tanong na iyan ang hinding hindi natin masasagot dahil tayong mga tao bagamat alam nati na naaalipin na tayo ng ating sarilui ay hin natin ito aamainin . Ang pagiging alipin nati sa ating sarili ay siyang nagiging dahilan kaya tayong mga tao ay hindi nagiging malaya, dahil angtanging makakpigil o makakapagdikta sa ating sarili ay ang ating sarili lang din. ang tunay na kalayaan any madarama natin kung tayo mismo ay ay pinapalaya ang ating sarili.
                 Nagpapsalamat nga pala ako sa WikiAmswers dahil sa kanila ko nakuha ang kopaya ng bood ng saan patungo ang langaylangayan.

Batang bata ka pa

                    
                      Batang bata ka pa 
        

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
'Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay 'di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang, oh... 

Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
'Pagkat ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo
'Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian... um... oh... 

Batang-bata ako nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang
Ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas
Ang aking pamamagitan

Imulat sa isipan
Sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya
Sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo

Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
Kailangan mong malaman

Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan

Batang-bata ka pa
(Batang-bata ako) oh... 
At marami ka pang kailangang malaman
At intindihin sa mundo
La, la, la, la... 

La, la, la, la... 
Oh... oh...



Repleksyon:
    Para sa akin ang kantang ito ay kailangang mapakinggang ng mga kabataang tulad ko dahil , sa panahon ngayon hindi natin maipagkakaila na ang mga ka bataan ngayon ay hindi na sumusunud sa kanilang mga magulang. Kaya dapat natin tong mapakinggan dahil napapaloob dito sa kantang ito na tayong mga kabataan ay kailangan pa ng gabay ng ating mga magulang, oo may karapatan tayo sa mundong ito pero dapat nating alamin ang limitasyon ng ating karapatan. At dahil nga sa bata pa tayo ay kailangan pa natin ng gabay ng ating mga magulang.
         Bago ko nga pala tapusin ang repleksyon kung ito nais ko nga palng magpasalamat sa eLyrics.net dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kantang ito, maraming salamat po.

Kanlungan

           

                                                          Kanlungan
             

Noel Cabangon Lyrics
Kanlungan Lyrics


  
More Sharing Services Share on email Share on facebook Share on twitter Share on facebook_like

Send "Kanlungan" Ringtone to your Cell 

Chorus:
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Refrain 1:
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

[Repeat Chorus]

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Refrain 2:
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?

[Repeat Chorus]
[Repeat Refrain 2]
[Repeat Chorus] 

Repleksyon:

       Ang kanta namang ito ay nagpapadama sa atin na ang mga masasayang nakaraan ,ay masarap balikbalikan lalong lalo na kung sa mga alaala nating itoa, ang kasama natin ay ang atong mahal na mahal natin. Alam naman nating mga tao sa mundo na ang nagbibigay kulay sa ating buhay ay ang pag ibig. Siguro, pag nadarama natin ang tinatawag nilang pag ibig yun na ang pinakamasayang yugto sa ating buhay. Kaya nga masasabi ko na kung lahat ng atao sa mundo ay nag iibigan walang gulaongf mangyayari, kaya sa lahat ng tao sa mundo ay magmalan nalang.
              Bago ko pala tapusin ang repleksyon kong ito nagpapasalamat po pala ako sa Lyrics On Demand dahil sa kanila ko nakuha ang lyircs  ng kantang ito.

Sa Tabi ng Dagat

                                       

                                        Sa Tabi ng Dagat                                                   


Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…

Repleksyon:

                           Para sakin ang kantang ito ay nagpapaalala sa atin na ang pag ibig , gaanu man ito ka perpekto duamaraan ito sa mga pagsubok. Nag papaalala din itong kanta na to sa atin ana ang lahat ng bagay ang may hangganan at lahat ng ating mga nararmdaman ay nawawala ring marahang marahan. Bago ko pala to tapusin , taus puso po akong nagpapasalamat sa WikiAnswer dahil sa kanila ko po nbakuha ang kopya ng kantang ito maraming salamat po.