Sabado, Disyembre 29, 2012

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Sabado""


 
           Sabado,"" ayan na SM North na tayo"''
                                          December 29, 2012

                     Ay Sabado na. Yes SM North tungo natin. Go, kaya to.
                     Gumising ako ng maaga ,para makaligo ng maaga,inising ko narin yung pinsan ko sa kanila para paghandain.
                     Sasakay na kami pa Cubao, pagdating namin sa Cubao sumakay kami ng MRT pa North Ave. kaya lang pagsakay namin ang bagsak namin sa taft station edeh yun mas lumayo tuloy kami sa pupuntahan namin kaya yun sumakay nalang ulit kami ng pinsan ko.
                   Pagdatong namin doon napagalitan tuloy kami ng guro ko sa Masbate.
                   Yun pumunta na kaminbg SM North. Nanuod kami ng Thy Womb, ang pangit naman pala , sana one more try nalang pala ang pinanuod namin. Pagkatapos magsine kumain kami sa macDo. Pakatapos namili ng pagkain.
                   Pagkatapos umuwi, at heto ako ngayun nagcocomputer.
                   Pag uwi ko ngayun kakain tapos, matutulog.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Biyernes""



        Biyernes,"hinihintay sumapit ang sabado"
                                                         December 28, 2012

                          Sa araw na ito excited naman kami sumapit ang Sabado, kasi tumawag ang guro ko sa Masbate . 
                          Tapos ang sabi niya gusto niyang makipagkita sakin kinabukasan, eh ang problema sa SM North ang tagpuan, eh hindi pa ako nakakapunt doon, kaya yun napag isip isip ko na magdala ng kasama kaya isasama ko yung pinsan ko.
                          Kaya yun para mapadali ang araw natulog nalang ak ng maaga pa bumilis ang oras, kaya pagising sabado na.

Anung gawa ko? teka ekukuwento ko sayo""Huwebes""



          Huwebes,"gala na naman ang nasa isip"
                                                       December 27,2012

                    Simula na naman ako sa pag iisip kung saan ako gagala. 
                    Paggising ko sa umaga pumunta ako sa bahay ng pinsan kjo tapos nagplano ulit kami kung san gagala pagkatapos magpahinga. Kaya yun napag kasunduan namin na tumambay nalang kami sa may petron , sa may bandang gate 2, kaya yun pumunta na kaming petron.
                    Mga bandang alas 6 ng  gabi naisipan na naming umuwi pero bago kami umuwi dumaan muna kami sa barkada naming si Naknak, nag inuman muna kami ng kunti doon , pagkatapos umuwi na kami sa bahay.
                    Pag uwi sa bahay kumain , tapos natulog.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo ""Miyerkules""


                 Miyerkules,"nagpahinga ako"  
                             December 26,2012   
             Wala akong ginawa ng araw nato kundi magpahinga ,dahil sa sobrang pagod sa nagdaang pasko. Natulog ng buong magdamag sa bahay . Pagkagising kumain ng sandali tapos natulog ulit, yun lang yung ginawa ko.
                         Pagkagising ko , umaga na naman.
               

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Anung gawa ko? teka ekukuweto ko sayo""Martes""

    
                      Martes "Pasko na"
                                         December 25, 2012
   
                    Pasko na puro saya ang nakikita ko sa paligid ko,grabe walang kasing saya. Grabe nag inuman kami kami ng mga pinsan ko , ang saya namin nag kukuwentuhan kami sa mga nakaraan namin, yung mga pangyayari nung mga bata pa kami, yung mga pinakamasayang nagyari sa buhay namin hanggang sa pinakanakakabuwesit na pangyayayari sa buhay namin . Isa isa namin yung bainalikan ,hanggang sa nalalasing na kami natulog pagkatapos ,pagkagising umaga na .
                   Grabe ang sakit ng ulo ko sa hang over, hindi ako makatayo ng tuwid sa sobrang hilo, pero grabe ang saya hoooooo, merry christmass.

Anung gaw ko? teka kuwento ko sayo""lunes""

     
                 Lumes "despiras ng Pasko"
                                                  December24, 2012

                          Sobrang excited sa pasko , pinupuntahan na yung mga ninong at ninang para maningil ng mga regalo. Ang saya nito, sana makaipon ako ng malkilaking pera , yun yung nasa isp ko habang papunta sa mga bahay ng ninong at ninang ko. Pero pagdating ko sa mga bahay ng ninong at ninang ko sus ang raming dahilan, wala akong pera, wala akong trabaho,hindi pa ako sumesuweldo grrrrrrr ang sarap pagsasapakin eh. Grabe ang babarat talaga ng mga ninong at ninang . Yung iba pa ganito yung sinasabi, bukas pumunta kanalang ulit, sabay kinabukasan alang ibibigay nakakabagot talag.
                          pero ok lang, sabi ko sa sarili ko , may next year pa naman   eh,kaya yun umuwi nalang ako sa bahay natulog hinintay sumapit ang pasko.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Linggo""

   
            Linggo"nakalampas din sa lagnat"
                                           December 23, 2012
       Ang dami kung ginawa ng araw na ito dahil namis kung gumala kasi nga nagkasakit ako sa mga nakaraang araw kaya niyaya ko yung kapatid ko na gumala ,pumunta kami ng santalo, namili kami ng pangrigalo kasi nagkaron kami ng exchangegift ng mga pinsan namin. Pagtapos namin mamili ng mga panrigalo kumain muna kami sa mang inasal, pagkatapos noon umuwi na kami.
          Mag aalas 7 na n dumating kami sa bahay, kaya niyaya kami ng mama namin na magsimbang gabi kaya yun nagsimabang gabi kami.pagfkatapos namin magsimbang gabi nag cherry muna kami, namili ng mga junk food tapos umuwi.
          Pag uwi ko naman sa bahay yung mga pinamili naming pagkain sa cherry kinain namin habang nanunuod ng tv kasama yung mga pinsan ko. Pagkatapos noon natulog na kami.

Anung gawa ko? Teka ekukuwento ko sayo""Biyernes at Sabado""

     

                           Biyernes at Sabado "Lagnat"
                                          December 21 @22 ,2012
            Grabe Sobrang sakit ng ulo ko sa mga araw na ito siguro dahil narin sa mga pinaggagawa ko sa mga lumipas na araw pero helong hilo talaga ako grabe.Pinag isa kuna yung biyernes t'saka huwebes kasi pareho lang naman ginawa ko sa dalalwang araw na yun eh, natulog ,nagpapahinga lang naman ako. Sayang nga lang hinbdi ako nakasama sa swimming ng mga kaibigan ko nakakainis kasi , nilagnat pako.
            Yun lang yung nangyari sa kin nung mga araw na iyon walang kabuhay buhay,nakakabagot magkasakit kaya ayoko nn magkasakit.

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Anung gawa ko? Teka kuwento ko sayo""huwebes""

   
                 Huwebes, nakakapgod na araw
                                                 December 20,2012                     Pumunta ng paaralan dahil christmas party.Nakakaboring ang araw na ito, wala masiyadong laro ,tapos hindi pa dumating si bestfriend  Canchela kasi hindi pumunta.Umuwi ako ng alas dose sa bahay, hay nako nakakapagod.
                    Pag uwi ko pa niyaya akong mag marikina ng mga pinsan ko wala naman akong magawa para tumangi kasi ipinaalam na daw nila ako sa mama ko.Nakakapagod pumunta kaming river bank namili ng damit ,relo ,tsaka sumakay sa horor train.Hanggang alas tres lang kami don kumain sa chowking,pagkatapos umuwi.
                    nakakapagod pa hindi kasi patok yung sinakyan namin.pagdating ko sa bahay nagbihis tapos nagcoputer.

Anung gawa ko? teka ekukuwento ko sayo""meyerkules""

 
                           Meyerkules,excited sa Pamana
                                            December 19, 2012                  Masasabi kong pinakamasayang araw sa linggong ito, excited sa papanuuring Pamana.grabe ng gagaling ng mga dancer,nakakamangha akala ko parang wala lang yung show na yun pero matapos kung manuod ng Pamana namangha ako. Sinamahan pa ng magagaling na  mang aawit ng Mambugan,  sus parang live show ng totong mga singer.
                 Ito pa ang masaya sumayaw ang mga guro ng Mambugan, ang kukulit nilang tingnan lalo na si maam nacolanga, grabing hiyawan nakakabingi ang sigawan ng mga istudyante sa sobrang lakas, ang saya talaga.
                 pinakamasayang araw ng linggo.

Anung gawa ko? Teka ekukuwento ko sayo""Martes""


                                     Martes,Galit si Mama
                                         December 18, 2012
                   Nakakahiya ekuwento pero sige ekukuwento ko pa rin, pinagalitan ako ni mama kasi tinatamad akong pumasok mag aalasais na hindi parin ako naliligo kaya yun nag simulang magputak si mama, napilitan yuloy akong pumasok.Pagkatapos ng pasok siyempre uwian na, hindi ako dumeretso samin pumunta ako sa kaibigan ko at tumambay hanggang alas sais, kaya naman pagdating ko sa bahay pinutakan na naman ako mama.
                    Pagkatapos akong putakan ni mama kumain ako , pagkatapos maghugas ng pinggan nagcomputer hanggang alas muwebe pagkatapos natulog.

Anu gawa ko? Teka ekukuwento ka sayo"" Lunes""

                      Salubong sa lunes, pasok na naman
                                             December 17, 2012  
               Lunes pamusok sa , kahit tinatamad pero buti nalang masaya nung araw na yun kasi wala masiyado guro.Pagkatapos ng oras ng klase pumunta sa na naman sa school para magreview sa math, pagkatapos naman magreview sa math pumunt ako sa pinsan ko para mag aya ng gala, pumunta kami ng Santalucia,ang saya sobranamili kami ng damit para pangsuot sa darating na christmas party.
             Tapos pagod na umuwi sa bahay kinabihan, natulog pagdating kasi may pasok kinabukasan.
           

              

Linggo, Disyembre 9, 2012

Tata Selo ni Rogelio Sikat

                              Tata selo
                                                                                   ni Rogelio Sikat


Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. 


Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
 
Pasasalamat:
               Nagpapasalamat nga pala ako saAnswers.com dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng  kuwentong ito, maraming salamat po.

Repleksyo:
       Matapos kong mabasa ang kuwentong ito napatunayan ko na sa panahon noon at maging sa ngayon ang may mas matimbang sa karapatan ay ang mga mayayamano yung may mga kapangyarihan.
kaya sana tayong mga mahihirap wag rin tayong magpapa api dahil naniniwala ako sa kasabihan na "walang mang aapi kung walang magpapa api".manalig nalang tayo sa diyos at huwag gumawa ng masama.


Mabangis na Lungsod ni Efre R. Abueg



            Mabangis na lungsod 

                                                      ni Efren R. Abueg

Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Note: There are comments associated with this question. See the discussion page to add to the conversation.
Pasasalamat:
           Nagpapasalamat nga pala ako sa Answers.com dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kuwentong ito, maraming salamat po.

Repleksyon:
                    Matapos kung mabasa ang kuwentong ito napag isip isip ko na ang suwerte suwerte ko pa pala kasi may mga magulang pa na nag aaruga sa akin, na hindi na pala ako ang kaawa awang bata sa mundo.
Kaya pinapasalamatan ko ang mga magulang ko sa pagmamahal sa akin at pag aaruga . Hindi katulad ng bata sa kuwento na kahit napakabata pa niya nararanasan niya ng mabuhay sa sarili niyang paa. Kaya pinapasasalamatan ko ang maykapal dahil biniagyan niya ako ng pamilya na magmamahal sa akin.

Sa Pula sa Puti ni Francisco soc Rodrigo


                   

                      Sa Pula sa Puti
                       ni Francisco soc Rodrigo
Dapat hindi araw - araw ang pag sasabong .. 
dahil ang pag sabong ay hindi isang laro at ito ay isang pustahan an kung sino ang mga may ari ng kanilang tali..
dahil ang sabong ay isa ring sugal.samakatuwid ito ay hindi magandang impluwensyang nangyayari sa loob ng isang sabunangan.. 

ang aking buod tungkol sa kwentong sa pula sa puti 

Mga tauhan: 
kulas-mahilig mag sabong 
celing-pumupusta ng palihim 
sioning-ang matalik nna kaibigan ng mag sawa 
castro-ang nagturo kay celing kung paano mang daya 
teban-masunuri pero mahina ang ulo 
maring kikay-pinagkukunan ng sabon 


sa pula sa puti 

-si kulas ay isang sabungarero na halos araw araw ay laging nasa sabungan pero lagi siyang natatalo sa laban,kaya sa isip isp niya ayaw na niyang mag sabong kaylanman at ayawa niya ring makita ang sabungan.. 
si celing ay isang asawa ni kulas na tinatago sa kanyang asawa na si kulas na pumupusta sa sabungan upang si kulas ay matalo man siya na man ay nananalo para hindi sila maubusan ng kwarta .. 
umuwi si kulas sa kanilang bahay na naka simangot . at tinanong ni celing kung bakit siya ay nakasimangot at ang sabi ni kulas natalo na naman ako ! ayoko nang mag sabong kaylanman at ayoko na rin makita ang sabungan na iyan. sabi ni ..sabi ni naman ni celing buti namn natauhan ka narin sa wakas ... 
oh siya kulas aalis muna kami ni sioning pupunta lang kami kila maring kikay bibili lang kami ng mga sabong ni sioning at baka maubusan kami ni sioning;; 
sige! 
biglang dumating si castro -kamusta kana kulas bakit ka nanamn nakasimangot? 
ang sabi namn ni kula -e;kasi lagi nalang ako natatalo sa sabungan. ilang kwarta na ang nawawala sa akin..anoh kaba kulas bakit hindi kana mag sasabong porket na talo kalang ?ang sabi ni castro 
oo dahil sa natalo ako at dahil rin sa marami ng nakakatalo sa akin ang sabi namn ni kulas.. 
alm mo kulas may teknik ako para ako ay manalo 
ano yun castro?? 
gusto mo bang malaman kulas? 
oo!ano namn yun? 
kumuha ka ng manok mo kulas .at agad namn kumuha ng manok si kulas !! 
o eto na castro ung manok ko.. 
cge kumuha ka ng karayom 
sabi namn ni kulas ano?kukuha ako ng karayom 
oo pra mai pakita ko sayo kung bakit ako lagi natatalo 
at agad namng kumuha ng karayom si kula at ibinigay nito kay castro 
okie !!sa paahan ng manok mo ay inject natin para maging mahina . 
tapos pupusta ka sa kalaban yan ang ginagawa ko 
ang pintig ni castro 
at ang sabi naman ni kulas di ba castro pan daraya yan 
oo pero ang lahat ng kalaban mo ay nandaraya rin 
sabagay ,kaylangan ko rin ng kwarta 
at biglang umalis si castro at dumating si celing 
bigla ring umalis si kulas para pumunta ulet sa sabungan 
at si celing ay pinatawag si teban para pumusta sa sabungan ..ang sabi ni celing kay teban ay eto ang dalawang limang piso i pusta moh.. 
at agad naman umalis si teban upang pumaunta sa sabungan 
mga ilang oras dumating si teban na nakasimangot at ang tanong ni celing teban bakit ka malungkot?at ang sagot naman ni teban kasi po natalo po tayo sa sabungan e 
sabi namn ni celing okie atleast nanalo si kulas 
sumunod namn si kulas bakit ka nakasimangot nanaman 
ang sagot namn ni kulas e kasi natalo nanaman ako 
ayaw ko na talaga mag sabong 
nagtataka si celing kung saan ng galing ang kanilang perang mahigit dalawangput lima na kwarta at itoy naghihinala kay teban ngunit si teban ay hindi nagnakaw talagang natalo siya 
simula noon si kulas ay hindi na nag sasabong. 




ang mabutung aral ay 
-walang mabuting maidudulot ang pag susugal . 
Kaya laging tandaan na ang pera ay gamitin lagi sa tama .






by:mitzukie jhazaskie frograntising.

Pasasalamat:
       Nagpapasalamat nga pala ako sa answers.com Dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kantang ito, maraming salamat po.
Repleksyon:
              Matapos ko basahin ang kuwentong ito napagtanto ko na ang lahat pala talaga na ginagawa mo ay may disisyon kang ginagawa , wala man itong kakuwentakuwenta o maging napakaimportanteng bagay man ito. Kaya pag gumawa ka ng disisyon siguraduhin mo na hhindi masama ang kalalabasan nito, dahil sa huli ikaw lang naman din ang magsisisi.