Sabado, Setyembre 15, 2012

SAan Patungo ang Langaylangayan

       
           Saan Patungo ang Langaylangayan



Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako. 

Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari'y lumalaki, at ako'y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa'y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako'y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako'y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?

Ito ang aking mithi: Paglaya. 

At ako'y nagtatanong: Ano ang paglaya? 

Ang paglaya'y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya'y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya'y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya'y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili? 

Sa salamin, ang larawan ko'y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo'y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno'y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo'y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako'y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang - ang makalaya sa kaalipinan. 

Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito'y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito'y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko'y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano? 

Sa salamin ay naroon ako. 

Ako'y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito'y naganap, nawala ang ligaya, nahalili'y hapis. At ako'y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala. 

Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan. 

Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki'y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari'y tuluyan nang nawaglit? 
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako'y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko'y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso. 
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba't luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa'y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito'y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo't masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito'y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim. 
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki'y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao. 
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka'y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. ("Huwag ninyong kakainin ito." Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya. 
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw - naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit - naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin - naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito'y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha. 
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba't sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan - nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.). 
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo'y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig ("Hayo at magsupling!") kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis! 
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao. 
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan. 
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso'y napalutang na ako, kasama ang sa aki'y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok - pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito'y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao. 
At habang umiinog ang araw - sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo't laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako'y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.). 
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas - tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay. 
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko'y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko'y walang tinig.
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa't isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya! 
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam. 
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.


Repleksyon:
         Ang sanaysay na ito ay pumapatungkol sa isang tao na naging alipin ng kanyang sarili, tayo masasabi ba natin na tayo ay hindi alipin ng ating sarili? ang tanong na iyan ang hinding hindi natin masasagot dahil tayong mga tao bagamat alam nati na naaalipin na tayo ng ating sarilui ay hin natin ito aamainin . Ang pagiging alipin nati sa ating sarili ay siyang nagiging dahilan kaya tayong mga tao ay hindi nagiging malaya, dahil angtanging makakpigil o makakapagdikta sa ating sarili ay ang ating sarili lang din. ang tunay na kalayaan any madarama natin kung tayo mismo ay ay pinapalaya ang ating sarili.
                 Nagpapsalamat nga pala ako sa WikiAmswers dahil sa kanila ko nakuha ang kopaya ng bood ng saan patungo ang langaylangayan.

Batang bata ka pa

                    
                      Batang bata ka pa 
        

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
'Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay 'di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang, oh... 

Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
'Pagkat ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo
'Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian... um... oh... 

Batang-bata ako nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang
Ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas
Ang aking pamamagitan

Imulat sa isipan
Sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya
Sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo

Nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng
Kailangan mong malaman

Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan

Batang-bata ka pa
(Batang-bata ako) oh... 
At marami ka pang kailangang malaman
At intindihin sa mundo
La, la, la, la... 

La, la, la, la... 
Oh... oh...



Repleksyon:
    Para sa akin ang kantang ito ay kailangang mapakinggang ng mga kabataang tulad ko dahil , sa panahon ngayon hindi natin maipagkakaila na ang mga ka bataan ngayon ay hindi na sumusunud sa kanilang mga magulang. Kaya dapat natin tong mapakinggan dahil napapaloob dito sa kantang ito na tayong mga kabataan ay kailangan pa ng gabay ng ating mga magulang, oo may karapatan tayo sa mundong ito pero dapat nating alamin ang limitasyon ng ating karapatan. At dahil nga sa bata pa tayo ay kailangan pa natin ng gabay ng ating mga magulang.
         Bago ko nga pala tapusin ang repleksyon kung ito nais ko nga palng magpasalamat sa eLyrics.net dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kantang ito, maraming salamat po.

Kanlungan

           

                                                          Kanlungan
             

Noel Cabangon Lyrics
Kanlungan Lyrics


  
More Sharing Services Share on email Share on facebook Share on twitter Share on facebook_like

Send "Kanlungan" Ringtone to your Cell 

Chorus:
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Refrain 1:
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

[Repeat Chorus]

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Refrain 2:
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?

[Repeat Chorus]
[Repeat Refrain 2]
[Repeat Chorus] 

Repleksyon:

       Ang kanta namang ito ay nagpapadama sa atin na ang mga masasayang nakaraan ,ay masarap balikbalikan lalong lalo na kung sa mga alaala nating itoa, ang kasama natin ay ang atong mahal na mahal natin. Alam naman nating mga tao sa mundo na ang nagbibigay kulay sa ating buhay ay ang pag ibig. Siguro, pag nadarama natin ang tinatawag nilang pag ibig yun na ang pinakamasayang yugto sa ating buhay. Kaya nga masasabi ko na kung lahat ng atao sa mundo ay nag iibigan walang gulaongf mangyayari, kaya sa lahat ng tao sa mundo ay magmalan nalang.
              Bago ko pala tapusin ang repleksyon kong ito nagpapasalamat po pala ako sa Lyrics On Demand dahil sa kanila ko nakuha ang lyircs  ng kantang ito.

Sa Tabi ng Dagat

                                       

                                        Sa Tabi ng Dagat                                                   


Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…

Repleksyon:

                           Para sakin ang kantang ito ay nagpapaalala sa atin na ang pag ibig , gaanu man ito ka perpekto duamaraan ito sa mga pagsubok. Nag papaalala din itong kanta na to sa atin ana ang lahat ng bagay ang may hangganan at lahat ng ating mga nararmdaman ay nawawala ring marahang marahan. Bago ko pala to tapusin , taus puso po akong nagpapasalamat sa WikiAnswer dahil sa kanila ko po nbakuha ang kopya ng kantang ito maraming salamat po.

                                     


Miyerkules, Agosto 29, 2012

Dekada 70


                                Dekada 70                                                                                 

                    Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan. 

Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan. 

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian. 

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. 

Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo. 

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason. 

Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. 

Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. 

Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal. 

May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan. 



Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."


Reflection;

              Sa pagtalakay natin sa akdang ito, namulat ako sa katotohanan na hindi pala tayo dapat tumunganga nalang kapag alam na natin na may gumagawa na ng kasamaan o may nagdikdikta na sa atin na hindi makabubuti pa sa sarili natin. Minsan kailangan nating parusahan kahit na ang gumagawa nito ay may katungkulan o namumuno sa ating bansa. Sana ang akdang ito ay mabasa ng maraming pilipino para maulat din sila at wag ng magbulag bulagan. Maging responsable po at gawin ang taman, sana maisip natin ito.
              Bago ko tapusin ang reflection kong ito nais kulang na magpasalamat sa wikianswer dahil sa kanila ko nakuha ang kupya ng dekada setenta. Maraming salamat po.

Sabado, Agosto 18, 2012

Kahapon Ngayon At Bukas ni Aurelio Toletino



Kahapon Ngayon At Bukas 

ni Aurelio Tolentino







Kalayaan : ama ni Walangtutol. 

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. 

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya. 

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika. 

Masunurin : ang babaeng pilipina. 

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan) 

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya. 

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika. 

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog. 

HaringBata : ang haring Intsik. 

Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan. 

Halimaw : ang Kastilang pari. 



Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at 
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom. 

 Reflection:
     
     Ang dulang ito ay nagpapamulat sa ating mga pilipino na dapat ay huwag nating hayaan na sakupin o angkinin ng mga dayuhan ang ating bayan at siyempre huwag nating traydurin ang ating sariling bayan para sa sariling nating kapakanan. Kaya sana, mamulat na tayong mga pilipino at huwag na nating hayaan na sakupin ang ating bansa ng mga dayuhan, mahalin natin ang bayan natin at huwag natin itong pabagsakin.
     Bago ko po tapusin ang aking kumento magpapasalamat po muna ako sa wikianswers dahil sa inyo ko po kinuha ang buod ng Kahapon Ngayon at Bukas maraming salamat po.                                
                                                      

Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Ang Guryon

Ni: Ildefonso Santos 

tanggapin mo anak 
itong munting guryon 
na yari sa patpat at papel de hapon 
magandang laruan pula,puti,asul 
na may pangalan mong sa gitna naroon 

Ang hiling ko lamang bago paliparin 
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin 
ang solo't paulo'y sukating magaling 
nang hindi mag ikit o kaya'y magkiling 


saka, pag umihip ang hangin ilabas 
At sa papawiri'y bayaang lumipad 
datapwat ang pisi'y tibayan mo,anak, 
At baka lagutin ng hanging malakas. 

Ibigin ma't hindi balang araw ikaw, 
ay mapabubuyong makipagdagitan 
Makipaglaban ka subalit tandaan 
na ang nagwawagi ay ang pusong marangal 

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig 
Matangay ng iba o kaya'y mapatid 
Kung saka-sakaling di na mapabalik 
Maawaing kamay nawa ang magkamit 

Ang buhay ay guryon,marupok malikot 
Dagiti't dumagi saan man sumuot 
O,paliparin mo't ihalik sa Diyos 
Bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob.

reflection:

   Bago ako magsimula sa aking reflection magpapasalamat muna po ako sa wikianswer kung saan ko kinuha ang buod ng ang guryon maraming salamat po.
      Ang tulang ang guryon ay ay nagbibigay ng aral sa atin tungkol sa mga pagdadaanan o haharapin natin sa ating bauhay buhay. Ginamit lamang ang bagay na guryon para ipaliwanag itro ng mas madali, kaya sa kuwentong ito masasabi kong marami akong natutunang aral sa buhay tulad ng pagiging matatag sa gitna ng pagsubok.