Sabado," Nakalimutan ko, hehe"
February 23, 2013
Ay nakalimutan ko.
Ehhhh, nakakahiya.
Pinuntahan pa ako ni heide samin, alas diyes na , ginising pa ako ni mama kasi daw may bisita ako, yun pala pumunta sami si heide kasi magrerecording nga pala kami ngayun para sa MT, nakakahiya talaga kaya naligo ako agad, hindi na ako kumain kasi nakakahiya talaga.
Nalate pa tuloy si Heide dahil sa akin.
Buti nalang di pa sila nagsisimula pagdating namin . Ntapos kaming magrecording nang alas kuwatro ng hapon tapos nag uwian, dumating ako sa bahay nga alas sais kasi nagcomputer pa tapos pagdating k kumain ako agad nagutom ako eh, tapos nanuod ng TV tapos natulog.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento