Huwebes, Hunyo 21, 2012

Sa Aking Kababata ni Dr. Jose Rizal

Sa Aking Mga Kababata
ni José Rizal 

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
                                                                              
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa 
Na tulad sa inang tunay na nagpala.                  
 
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
 
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.      
               

1 komento:

  1. Kaya isinulat ni ang tulangn ito para apaalala sa atinbg mga pilipino na mahalin natin ang ating sariling bayan. At wag itong hayaang bumagsak. Sa halip ay paunlarin nati ito.

    TumugonBurahin