Sabado, Disyembre 29, 2012

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Sabado""


 
           Sabado,"" ayan na SM North na tayo"''
                                          December 29, 2012

                     Ay Sabado na. Yes SM North tungo natin. Go, kaya to.
                     Gumising ako ng maaga ,para makaligo ng maaga,inising ko narin yung pinsan ko sa kanila para paghandain.
                     Sasakay na kami pa Cubao, pagdating namin sa Cubao sumakay kami ng MRT pa North Ave. kaya lang pagsakay namin ang bagsak namin sa taft station edeh yun mas lumayo tuloy kami sa pupuntahan namin kaya yun sumakay nalang ulit kami ng pinsan ko.
                   Pagdatong namin doon napagalitan tuloy kami ng guro ko sa Masbate.
                   Yun pumunta na kaminbg SM North. Nanuod kami ng Thy Womb, ang pangit naman pala , sana one more try nalang pala ang pinanuod namin. Pagkatapos magsine kumain kami sa macDo. Pakatapos namili ng pagkain.
                   Pagkatapos umuwi, at heto ako ngayun nagcocomputer.
                   Pag uwi ko ngayun kakain tapos, matutulog.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Biyernes""



        Biyernes,"hinihintay sumapit ang sabado"
                                                         December 28, 2012

                          Sa araw na ito excited naman kami sumapit ang Sabado, kasi tumawag ang guro ko sa Masbate . 
                          Tapos ang sabi niya gusto niyang makipagkita sakin kinabukasan, eh ang problema sa SM North ang tagpuan, eh hindi pa ako nakakapunt doon, kaya yun napag isip isip ko na magdala ng kasama kaya isasama ko yung pinsan ko.
                          Kaya yun para mapadali ang araw natulog nalang ak ng maaga pa bumilis ang oras, kaya pagising sabado na.

Anung gawa ko? teka ekukuwento ko sayo""Huwebes""



          Huwebes,"gala na naman ang nasa isip"
                                                       December 27,2012

                    Simula na naman ako sa pag iisip kung saan ako gagala. 
                    Paggising ko sa umaga pumunta ako sa bahay ng pinsan kjo tapos nagplano ulit kami kung san gagala pagkatapos magpahinga. Kaya yun napag kasunduan namin na tumambay nalang kami sa may petron , sa may bandang gate 2, kaya yun pumunta na kaming petron.
                    Mga bandang alas 6 ng  gabi naisipan na naming umuwi pero bago kami umuwi dumaan muna kami sa barkada naming si Naknak, nag inuman muna kami ng kunti doon , pagkatapos umuwi na kami sa bahay.
                    Pag uwi sa bahay kumain , tapos natulog.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo ""Miyerkules""


                 Miyerkules,"nagpahinga ako"  
                             December 26,2012   
             Wala akong ginawa ng araw nato kundi magpahinga ,dahil sa sobrang pagod sa nagdaang pasko. Natulog ng buong magdamag sa bahay . Pagkagising kumain ng sandali tapos natulog ulit, yun lang yung ginawa ko.
                         Pagkagising ko , umaga na naman.
               

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Anung gawa ko? teka ekukuweto ko sayo""Martes""

    
                      Martes "Pasko na"
                                         December 25, 2012
   
                    Pasko na puro saya ang nakikita ko sa paligid ko,grabe walang kasing saya. Grabe nag inuman kami kami ng mga pinsan ko , ang saya namin nag kukuwentuhan kami sa mga nakaraan namin, yung mga pangyayari nung mga bata pa kami, yung mga pinakamasayang nagyari sa buhay namin hanggang sa pinakanakakabuwesit na pangyayayari sa buhay namin . Isa isa namin yung bainalikan ,hanggang sa nalalasing na kami natulog pagkatapos ,pagkagising umaga na .
                   Grabe ang sakit ng ulo ko sa hang over, hindi ako makatayo ng tuwid sa sobrang hilo, pero grabe ang saya hoooooo, merry christmass.

Anung gaw ko? teka kuwento ko sayo""lunes""

     
                 Lumes "despiras ng Pasko"
                                                  December24, 2012

                          Sobrang excited sa pasko , pinupuntahan na yung mga ninong at ninang para maningil ng mga regalo. Ang saya nito, sana makaipon ako ng malkilaking pera , yun yung nasa isp ko habang papunta sa mga bahay ng ninong at ninang ko. Pero pagdating ko sa mga bahay ng ninong at ninang ko sus ang raming dahilan, wala akong pera, wala akong trabaho,hindi pa ako sumesuweldo grrrrrrr ang sarap pagsasapakin eh. Grabe ang babarat talaga ng mga ninong at ninang . Yung iba pa ganito yung sinasabi, bukas pumunta kanalang ulit, sabay kinabukasan alang ibibigay nakakabagot talag.
                          pero ok lang, sabi ko sa sarili ko , may next year pa naman   eh,kaya yun umuwi nalang ako sa bahay natulog hinintay sumapit ang pasko.

Anung gawa ko? teka kuwento ko sayo""Linggo""

   
            Linggo"nakalampas din sa lagnat"
                                           December 23, 2012
       Ang dami kung ginawa ng araw na ito dahil namis kung gumala kasi nga nagkasakit ako sa mga nakaraang araw kaya niyaya ko yung kapatid ko na gumala ,pumunta kami ng santalo, namili kami ng pangrigalo kasi nagkaron kami ng exchangegift ng mga pinsan namin. Pagtapos namin mamili ng mga panrigalo kumain muna kami sa mang inasal, pagkatapos noon umuwi na kami.
          Mag aalas 7 na n dumating kami sa bahay, kaya niyaya kami ng mama namin na magsimbang gabi kaya yun nagsimabang gabi kami.pagfkatapos namin magsimbang gabi nag cherry muna kami, namili ng mga junk food tapos umuwi.
          Pag uwi ko naman sa bahay yung mga pinamili naming pagkain sa cherry kinain namin habang nanunuod ng tv kasama yung mga pinsan ko. Pagkatapos noon natulog na kami.

Anung gawa ko? Teka ekukuwento ko sayo""Biyernes at Sabado""

     

                           Biyernes at Sabado "Lagnat"
                                          December 21 @22 ,2012
            Grabe Sobrang sakit ng ulo ko sa mga araw na ito siguro dahil narin sa mga pinaggagawa ko sa mga lumipas na araw pero helong hilo talaga ako grabe.Pinag isa kuna yung biyernes t'saka huwebes kasi pareho lang naman ginawa ko sa dalalwang araw na yun eh, natulog ,nagpapahinga lang naman ako. Sayang nga lang hinbdi ako nakasama sa swimming ng mga kaibigan ko nakakainis kasi , nilagnat pako.
            Yun lang yung nangyari sa kin nung mga araw na iyon walang kabuhay buhay,nakakabagot magkasakit kaya ayoko nn magkasakit.

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Anung gawa ko? Teka kuwento ko sayo""huwebes""

   
                 Huwebes, nakakapgod na araw
                                                 December 20,2012                     Pumunta ng paaralan dahil christmas party.Nakakaboring ang araw na ito, wala masiyadong laro ,tapos hindi pa dumating si bestfriend  Canchela kasi hindi pumunta.Umuwi ako ng alas dose sa bahay, hay nako nakakapagod.
                    Pag uwi ko pa niyaya akong mag marikina ng mga pinsan ko wala naman akong magawa para tumangi kasi ipinaalam na daw nila ako sa mama ko.Nakakapagod pumunta kaming river bank namili ng damit ,relo ,tsaka sumakay sa horor train.Hanggang alas tres lang kami don kumain sa chowking,pagkatapos umuwi.
                    nakakapagod pa hindi kasi patok yung sinakyan namin.pagdating ko sa bahay nagbihis tapos nagcoputer.

Anung gawa ko? teka ekukuwento ko sayo""meyerkules""

 
                           Meyerkules,excited sa Pamana
                                            December 19, 2012                  Masasabi kong pinakamasayang araw sa linggong ito, excited sa papanuuring Pamana.grabe ng gagaling ng mga dancer,nakakamangha akala ko parang wala lang yung show na yun pero matapos kung manuod ng Pamana namangha ako. Sinamahan pa ng magagaling na  mang aawit ng Mambugan,  sus parang live show ng totong mga singer.
                 Ito pa ang masaya sumayaw ang mga guro ng Mambugan, ang kukulit nilang tingnan lalo na si maam nacolanga, grabing hiyawan nakakabingi ang sigawan ng mga istudyante sa sobrang lakas, ang saya talaga.
                 pinakamasayang araw ng linggo.

Anung gawa ko? Teka ekukuwento ko sayo""Martes""


                                     Martes,Galit si Mama
                                         December 18, 2012
                   Nakakahiya ekuwento pero sige ekukuwento ko pa rin, pinagalitan ako ni mama kasi tinatamad akong pumasok mag aalasais na hindi parin ako naliligo kaya yun nag simulang magputak si mama, napilitan yuloy akong pumasok.Pagkatapos ng pasok siyempre uwian na, hindi ako dumeretso samin pumunta ako sa kaibigan ko at tumambay hanggang alas sais, kaya naman pagdating ko sa bahay pinutakan na naman ako mama.
                    Pagkatapos akong putakan ni mama kumain ako , pagkatapos maghugas ng pinggan nagcomputer hanggang alas muwebe pagkatapos natulog.

Anu gawa ko? Teka ekukuwento ka sayo"" Lunes""

                      Salubong sa lunes, pasok na naman
                                             December 17, 2012  
               Lunes pamusok sa , kahit tinatamad pero buti nalang masaya nung araw na yun kasi wala masiyado guro.Pagkatapos ng oras ng klase pumunta sa na naman sa school para magreview sa math, pagkatapos naman magreview sa math pumunt ako sa pinsan ko para mag aya ng gala, pumunta kami ng Santalucia,ang saya sobranamili kami ng damit para pangsuot sa darating na christmas party.
             Tapos pagod na umuwi sa bahay kinabihan, natulog pagdating kasi may pasok kinabukasan.
           

              

Linggo, Disyembre 9, 2012

Tata Selo ni Rogelio Sikat

                              Tata selo
                                                                                   ni Rogelio Sikat


Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. 


Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
 
Pasasalamat:
               Nagpapasalamat nga pala ako saAnswers.com dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng  kuwentong ito, maraming salamat po.

Repleksyo:
       Matapos kong mabasa ang kuwentong ito napatunayan ko na sa panahon noon at maging sa ngayon ang may mas matimbang sa karapatan ay ang mga mayayamano yung may mga kapangyarihan.
kaya sana tayong mga mahihirap wag rin tayong magpapa api dahil naniniwala ako sa kasabihan na "walang mang aapi kung walang magpapa api".manalig nalang tayo sa diyos at huwag gumawa ng masama.


Mabangis na Lungsod ni Efre R. Abueg



            Mabangis na lungsod 

                                                      ni Efren R. Abueg

Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Note: There are comments associated with this question. See the discussion page to add to the conversation.
Pasasalamat:
           Nagpapasalamat nga pala ako sa Answers.com dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kuwentong ito, maraming salamat po.

Repleksyon:
                    Matapos kung mabasa ang kuwentong ito napag isip isip ko na ang suwerte suwerte ko pa pala kasi may mga magulang pa na nag aaruga sa akin, na hindi na pala ako ang kaawa awang bata sa mundo.
Kaya pinapasalamatan ko ang mga magulang ko sa pagmamahal sa akin at pag aaruga . Hindi katulad ng bata sa kuwento na kahit napakabata pa niya nararanasan niya ng mabuhay sa sarili niyang paa. Kaya pinapasasalamatan ko ang maykapal dahil biniagyan niya ako ng pamilya na magmamahal sa akin.

Sa Pula sa Puti ni Francisco soc Rodrigo


                   

                      Sa Pula sa Puti
                       ni Francisco soc Rodrigo
Dapat hindi araw - araw ang pag sasabong .. 
dahil ang pag sabong ay hindi isang laro at ito ay isang pustahan an kung sino ang mga may ari ng kanilang tali..
dahil ang sabong ay isa ring sugal.samakatuwid ito ay hindi magandang impluwensyang nangyayari sa loob ng isang sabunangan.. 

ang aking buod tungkol sa kwentong sa pula sa puti 

Mga tauhan: 
kulas-mahilig mag sabong 
celing-pumupusta ng palihim 
sioning-ang matalik nna kaibigan ng mag sawa 
castro-ang nagturo kay celing kung paano mang daya 
teban-masunuri pero mahina ang ulo 
maring kikay-pinagkukunan ng sabon 


sa pula sa puti 

-si kulas ay isang sabungarero na halos araw araw ay laging nasa sabungan pero lagi siyang natatalo sa laban,kaya sa isip isp niya ayaw na niyang mag sabong kaylanman at ayawa niya ring makita ang sabungan.. 
si celing ay isang asawa ni kulas na tinatago sa kanyang asawa na si kulas na pumupusta sa sabungan upang si kulas ay matalo man siya na man ay nananalo para hindi sila maubusan ng kwarta .. 
umuwi si kulas sa kanilang bahay na naka simangot . at tinanong ni celing kung bakit siya ay nakasimangot at ang sabi ni kulas natalo na naman ako ! ayoko nang mag sabong kaylanman at ayoko na rin makita ang sabungan na iyan. sabi ni ..sabi ni naman ni celing buti namn natauhan ka narin sa wakas ... 
oh siya kulas aalis muna kami ni sioning pupunta lang kami kila maring kikay bibili lang kami ng mga sabong ni sioning at baka maubusan kami ni sioning;; 
sige! 
biglang dumating si castro -kamusta kana kulas bakit ka nanamn nakasimangot? 
ang sabi namn ni kula -e;kasi lagi nalang ako natatalo sa sabungan. ilang kwarta na ang nawawala sa akin..anoh kaba kulas bakit hindi kana mag sasabong porket na talo kalang ?ang sabi ni castro 
oo dahil sa natalo ako at dahil rin sa marami ng nakakatalo sa akin ang sabi namn ni kulas.. 
alm mo kulas may teknik ako para ako ay manalo 
ano yun castro?? 
gusto mo bang malaman kulas? 
oo!ano namn yun? 
kumuha ka ng manok mo kulas .at agad namn kumuha ng manok si kulas !! 
o eto na castro ung manok ko.. 
cge kumuha ka ng karayom 
sabi namn ni kulas ano?kukuha ako ng karayom 
oo pra mai pakita ko sayo kung bakit ako lagi natatalo 
at agad namng kumuha ng karayom si kula at ibinigay nito kay castro 
okie !!sa paahan ng manok mo ay inject natin para maging mahina . 
tapos pupusta ka sa kalaban yan ang ginagawa ko 
ang pintig ni castro 
at ang sabi naman ni kulas di ba castro pan daraya yan 
oo pero ang lahat ng kalaban mo ay nandaraya rin 
sabagay ,kaylangan ko rin ng kwarta 
at biglang umalis si castro at dumating si celing 
bigla ring umalis si kulas para pumunta ulet sa sabungan 
at si celing ay pinatawag si teban para pumusta sa sabungan ..ang sabi ni celing kay teban ay eto ang dalawang limang piso i pusta moh.. 
at agad naman umalis si teban upang pumaunta sa sabungan 
mga ilang oras dumating si teban na nakasimangot at ang tanong ni celing teban bakit ka malungkot?at ang sagot naman ni teban kasi po natalo po tayo sa sabungan e 
sabi namn ni celing okie atleast nanalo si kulas 
sumunod namn si kulas bakit ka nakasimangot nanaman 
ang sagot namn ni kulas e kasi natalo nanaman ako 
ayaw ko na talaga mag sabong 
nagtataka si celing kung saan ng galing ang kanilang perang mahigit dalawangput lima na kwarta at itoy naghihinala kay teban ngunit si teban ay hindi nagnakaw talagang natalo siya 
simula noon si kulas ay hindi na nag sasabong. 




ang mabutung aral ay 
-walang mabuting maidudulot ang pag susugal . 
Kaya laging tandaan na ang pera ay gamitin lagi sa tama .






by:mitzukie jhazaskie frograntising.

Pasasalamat:
       Nagpapasalamat nga pala ako sa answers.com Dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kantang ito, maraming salamat po.
Repleksyon:
              Matapos ko basahin ang kuwentong ito napagtanto ko na ang lahat pala talaga na ginagawa mo ay may disisyon kang ginagawa , wala man itong kakuwentakuwenta o maging napakaimportanteng bagay man ito. Kaya pag gumawa ka ng disisyon siguraduhin mo na hhindi masama ang kalalabasan nito, dahil sa huli ikaw lang naman din ang magsisisi.

Martes, Nobyembre 20, 2012

Mga hudyat ng Bagong kabihasnan ni Simon mercado

                          Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan

ni Simon A. Mercado

1 Kumislap ang isip ng pantas na malay
2 At ang sandaigdig ay naliwanagan
3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman
4 Ang nangagpunyaging paham na isipan;
5 At tayo’y nagising sa bagong kandungan
6 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

7 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga
8 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
9 Tila niloob ng Poong Bathala
10 Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
11 Nakapabingit na sa pagkariwari
12 Ang ating daigdig na lutang sa luha!

13 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
14 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
15 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
16 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon,
17 Nasisid ang mga dagat na maalon
18 Ng taong palakang nagwagi sa layon!

19 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
20 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
21 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
22 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag;
23 Subalit hindi pa lubos na matiyak
24 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.

25 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
26 Kapag may malaking bombang sinusubok,
27 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
28 At saka malihis sa kanyang pag-ikot
29 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
30 Dahil sa paghinto ng kanyang inog!

31 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
32 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
33 Sa dalawa kayang malakas ay alin
34 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
35 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
36 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

37 May panganib pa rin sa bawat pagsubok
38 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
39 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
40 Higit na mabangis sa alinmang salot;
41 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot,
42 Walang mabubuhay sa buong sinukob!

43 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap
44 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
45 Kapag ito’y hindi nalunasan agad
46 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
47 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
48 Saka nalalapit na lalo sa wakas!

49 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
50 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
51 Sa dalawang pook na pinaghulugan
52 Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
53 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
54 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

55 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit
56 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
57 Dahilan sa lakas na napakalabis
58 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
59 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
60 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
61 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas
62 Na sa kalawakan ay magharing ganap,
63 Ay nagbabalang di na magluluwat
64 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
65 Maanong loobin ng Nasa Itaas
66 Na huwag na sanang dumating ang wakas!

67 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
68 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
69 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
70 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
71 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
72 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

73 Nais na lagumin ng Maso at Karit
74 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
75 Ang Agila naman sa pagpupumilit
76 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
77 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
78 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

79 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
80 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
81 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
82 Di makakahanda nais mang lumaban;
83 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
84 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!

85 Hindi nga masamang ang tao’y
86 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
87 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
88 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
89 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
90 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!

91 Di dapat gumamit ng mga sandatang
92 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
93 Idalangin nating magkaisa sana
94 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
95 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
96 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!

97 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
98 Gayon din ang hangin na dating malinis,
99 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
100 Ay matatapos nang parang panaginip;
101 Saka lamang naman magiging tahimik
102 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!

103 Dahil dito kaya kinakailangan
104 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
105 Pagsikapan nating tuparing lubusan
106 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
107 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
108 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

109 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
110 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
111 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
112 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
113 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
114 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!

115 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
116 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
117 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
118 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
119 Saka ang ligalig na sandaigdigan
120 Ay mahihimbing na sa katahimikan.

Pasasalamat:
          Maraming salamat sa Filipino3zchs.com dcahilsa dito ko nakuha ang kopya ng tulang ito, maraming salamat po.

Repleksyon:
          Sa tulang ito ang masasabi ko lang ay,  ang lahat ng bagay dito sa mundo ay pagmamay ari ng diyos maging ang buhay mo kayang bawiin nito, kaya sana tayong mga tao makuntento sa mga ibinibigay niya hindi  yung magiimbento tayo ng makakasira nito.

Banaag at Sikat Amado V. HErnandez

                          Banaag at Sikat 
                                                                   ni Amado V. Hernadez  
 Nakalulugod at muling inilimbag ngayong taon ng Anvil Publishing ang nobelang Banaag at Sikat (1906; 1959) ni Lope K. Santos. Inuurirat ng nasabing nobela ang bisa ng kayamanan at kapangyarihan sa relasyon ng mga tao, at kung bakit nananatiling dukha ang marami. Ngunit higit pa rito, nagpapanukala ang nobela ng mga pagbabago sa pananaw, pagsusuri sa lipunan at kasaysayan, at pagsasanib ng mga dukha upang baligtarin ang namamayaning baluktot na kalakaran. Kakaunti lamang, sa aking palagay, ang tunay na nakabasa ng nobela ni Santos; at marahil may kaugnayan ito sa prehuwisyo, katamaran, o pagkatiwalag sa wika at panitikang Tagalog. Ano’t anuman, ang muling pagbasa sa nasabing nobela ay isang paraan ng pagkilala, kung hindi man pagbabayad, sa malaking pagkaligta sa dakilang manunulat na Tagalog.
Banaag at Sikat
Banaag at Sikat, kuha ni Beth Añonuevo
Umiinog ang nobela sa buhay nina Delfin at Felipe, na kapuwa nagtataglay ng sungayang ideolohiyang may kaugnayan sa sosyalismo. Si Delfin ay mula sa angkan ng mayayaman, ngunit naghirap nang yumao ang kaniyang mga magulang, at ampunin ng ibang tao. Madaranas niya ang hirap sa pagpasok sa iba’t ibang trabaho, at ang hirap na ito ang magiging kabiyak na praktika ng mga teoryang nasagap niya sa pagbabasa ng mga aklat na sumusuysoy sa sosyalismo sa Europa. Samantala, si Felipe ay anak-mayaman din, ngunit itatakwil ng kaniyang sariling ama dahil iba ang nais pag-aralan at lumilihis sa itinatakdang landas ng pagpapanatili ng kayamanan ng angkang maylupa. Ang karanasan ni Felipe bilang manlilimbag sa imprenta, bilang manggagawang bukid sa lupain ng kaniyang ama, at bilang kasintahan ni Tentay ang magbubukas sa kaniya ng paningin hinggil sa malaganap na kahirapang bumubusabos sa maraming tao. Ang naturang karanasan din ang kapilas ng pilosopiya ng anarkismong ibig niyang yakapin at palaganapin sa bansa.
Mapapaibig si Delfin kay Meni, na anak ni Don Ramon Miranda, at mabubuntis ang dalaga makalipas ang mga lihim na pagtatagpo. Ngunit hahadlang si Don Ramon, at tatangkaing paghiwalayin ang dalawa. Bugbugin man ng ama si Meni ay hindi magbabawa ang pasiya nitong samahan si Delfin. Hanggang mapilitang pumayag si Don Ramon sa pagpaparaya sa anak, at maglalagalag sa Amerika kasama ang aliping si Tikong, at ipagkakait ang mana kay Meni. Pagnanasahan naman ni Honorio Madlang-Layon ang kayamanan ni Don Ramon, at gagamitin ang katusuhan bilang abogado upang mapasakamay niya at ng kaniyang asawang si Talia ang lahat ng salapi, sapi, yaman, at lupain ng matanda. Si Talia, na isa pang anak ni Don Ramon, ay pipiliting kumbinsihin si Meni na iwan ang esposo nito at balikan ang layaw na tinalikdan. Matatauhan si Meni, at mananaig sa kaniya ang puri ng taong ayaw sumandig sa kayamanan ng magulang, at tapat na nagmamahal sa asawa.
Sa kabilang dako’y mahuhulog ang loob ni Felipe kay Tentay, na mula sa dukhang pamilya. Ito ang ikangingitngit ni Kapitang Loloy, ang ama ni Felipe, sa paniwalang walang mabuting kinabukasan ang mangyayari kung magkakatuluyang magsama ang magkasintahan. Sapilitang iuuwi ni Kapitang Loloy si Felipe sa lalawigan, subalit magsasagawa naman ng indoktrinasyon si Felipe sa mga magsasaka hinggil sa pinaniniwalaang rebolusyong panlipunan, at magiging sanhi ito upang isuplong siya ng katiwala sa ama. Mapopoot si Kapitang Loloy, at itatakwil ang anak. Pagkaraan, magbabalik si Felipe kay Tentay, at makikipamuhay dito nang parang mag-asawa, matapos ipagtanggol ang mag-anak nito laban kay Juan Karugdog na isang manyakis, bagaman ayaw magpakasal noong una si Felipe dahil sa pananalig na sukdulang kalayaan ng indibidwal.
Sa dulo ng nobela, magbabalik na bangkay si Don Ramon sa Filipinas, makaraang paslangin ni Tikong dahil sa labis na pagmamalupit ng amo. Ipakikilala si Doroteo Miranda, ang pamangkin ni Don Ramon, na maghahatid ng bangkay, kasama si Ruperto na siya palang kapatid ni Tentay. Si Ruperto, na bartender sa Nuweba York, ay ilalahad ang kaniyang pakikipagsapalaran sa iba’t ibang bansa sa pananaw ng migranteng manggagawang Filipino, at mapapaibig kay Marcela na siyang kapatid naman ni Felipe. Magtatagisan ng paniniwala sina Delfin at Felipe doon sa sementeryo hinggil sa sosyalismo at anarkismo, hanggang dumako sila sa yugtong hindi pa napapanahon ang rebolusyon ng mga anakpawis dahil hindi umaabot sa kalagayang malaganap na ang kaisipang sosyalismo sa kapuluan. Ang tagisan ng mga paniniwala ng magkaibigan ay waring karugtong ng balitaktakang ikinapoot nina Don Ramon at Don Filemon sa batis ng Antipulo na binanggit sa ikalawang kabanata ng nobela, at sa pagtatalo nina Delfin at Madlang-Layon sa Kabanata XIV.
Magwawakas ang nobela sa tagpong may salo-salo sa tahanan ng mga Miranda,  at sa ganap na paghihiwalay nina Meni at Talia bilang magkapatid,  dahil tumanggi si Meni na hiwalayan si Delfin kapalit ng rangya, layaw, at yamang pangako ng kapatid. Lilisanin nina Delfin, Meni, Felipe, at Ruperto ang tahanan ng pamilyang Miranda, bago magkabasagan ng bungo sina Delfin at Madlang-Layon, at masasaisip ni Ruperto ang kabatirang “may mga bayani ng bagong Buhay!”
Kayamanan at KapangyarihanMasalimuot ang banghay dahil ipinakita ni Santos ang iba’t ibang madilim na pangyayari sa buhay ng mahahalagang tauhan, gaya nina Don Ramon, Don Filemon, Kapitang Loloy, Ñora Loleng, Meni, Talia, Julita, at Tentay, o nina Marcela, Martin Morales, Isiang, Ruperto, Juan Karugdog, at iba pang panuhay na tauhan, na pawang may kaugnayan sa buhay nina Delfin at Felipe. Halimbawa, titindi ang galit nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy kay Delfin dahil siya umano ang pasimuno ng kaisipang sosyalismo mulang pahayagang El Progreso hanggang pagbilog sa ulo ni Felipe. Sina Don Ramon at Don Filemon ay kapuwa nagmamay-ari ng palimbagan at pahayagan, at ibig kontrolin kahit ang opinyon ng taumbayan, samantalang sinusupil ang mga karapatan ng obrero. Natatakot din ang tatlong matanda na mawala sa kanilang kamay ang yaman at kapangyarihan, at kumalat ito sa mahihirap. Samantala, ang pagiging matapobre ni Ñora Loleng—na asawa ni Don Filemon—ay kaugnay sa pagpapanatili ng yaman at lihim na relasyon kay Don Ramon.
Ang manipestasyon ng yaman, rangya, at kapangyarihan ni Don Ramon ay aabot kahit kahit sa pakikipagtalik kay Julita na bayarang babae, sa pakikiulayaw kay Ñora Loleng, at sa pakikisama sa iba’t ibang babae sa Amerika. Ang patriyarkal na pananaw ni Don Ramon ay ilalapat niya kahit sa pagpapalaki ng kaniyang dalawang anak na babae, na ang isa’y tradisyonal at gahaman (Talia), samantalang ang isa’y makabago at mapagbigay (Meni). Hindi malalayo rito ang patriyarkal na pamamalakad ni Kapitang Loloy, na ibig diktahan kung paano dapat mamuhay ang mga anak na sina Felipe at Marcela. Ang iba’t ibang libog ay makikita naman sa asal ni Juan Karugdog, alyas “Kantanod,” na sinaunang stalker at ibig gahasain si Tentay. Maihahalimbawa rin ang libog ni Ñora Loleng na kahit matanda na’y ibig pa ring makatalik si Don Ramon; o ang kalikutan ni Isiang na dinaraan sa pagpipiyano ang lihim na ugnayang seksuwal kay Morales. Sukdulang halimbawa ng kalibugan sina Meni at Delfin, na nagtitipan kung gabi sa hardin upang doon iraos ang silakbo ng hormone, ngunit ginagawa lamang nila ito dahil sinisikil ni Don Ramon ang kanilang kalayaang mag-usap bilang magkasintahan.
Ang bisa ng yaman at kapangyarihan ay mababanaagan kahit sa palimbagan, sa bukirin, sa tahanan, at sa malalayong lupain na pinaghaharian nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy. Kapani-paniwala rin ang nakalulunos na paglalarawan sa tahanan ng mag-anak na Tentay, o kaya’y ng naghihikahos na mag-asawang Delfin at Meni, na maitatambis sa marangyang kasal nina Honorio at Talia o sa paglulustay ng oras nina Morales at Isiang sa ngalan ng aliwan. Ang kasal nina Honorio at Talia ay halimbawa ng pagsasanib ng dalawang maykayang pamilya, at si Honorio ang abogadong tagapagtanggol ng ekonomikong interes ng pamilyang Miranda. Iisa lamang ang ibig sabihin nito: Nasa yaman ang kapangyarihan, at ang kapangyarihang ito ay kayang dumungis ng dangal ng tao o sambayanan.
Gayunman, ipinamamalas din ng nobela na hindi lahat ay kayang bilhin at paikutin ng salapi. Ang pagtalikod nina Meni, Delfin, at Felipe sa ipinangangakong yaman ng kanilang magulang ay pahiwatig na pananalig sa sariling pagsisikap, sa mataas na pagpapahalaga sa “puri” o “dangal,” at ang anumang yaman ng pamilya ay hindi dapat manatili sa pamilyang iyon lamang bagkus marapat matamasa rin ng iba pang mahihirap na tao. Ang paniniwala ni Delfin, na kung minsan ay sususugan ni Felipe, ay ang tao ay tagapangasiwa lamang ng yaman, at ang yamang ito ay dapat pag-aari ng sambayanan upang magamit sa higit na patas at abanseng pamamaraan.
Pagbasa sa Agos ng Kasaysayan
Natatangi ang pagbasa ni Delfin ukol sa agos ng kasaysayan, at kung bakit aniya hindi pa napapanahon nang oras na iyon ang ipinapanukalang rebolusyong sosyal ni Felipe. Para kay Delfin, ang buhay ng mga lahi at bayan ay dumaraan sa tatlong yugto: una, ang panahong iniaasa at iniuukol ang lahat sa Diyos; ikalawa, ang panahong ipinipintuho at kinikilalang utang ang lahat sa mga bayani; at ikatlo, ang panahong ang lahat ay kinikilala ang galing at mapauwi sa lahat. Ang Filipinas ay nasa ikalawang yugto na umano nang panahong iyon, at naghihintay ng ganap na pagkahinog.  Ang bisyon ng kabayanihan ni Delfin ay sumasaklaw sa sangkatauhan, at hindi lamang sa iilang tao. Upang mapasimulan ang gayong bisyon ay kailangan ang mabubuting halimbawa.
Iniugnay ni Delfin ang kaniyang paniniwala sa ideolohiya ng Katipunan (Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Ano-ano ito? Na dapat magkakapantay ang uring panlipunan ng mga tao; Na ang kayamanang hawak ng iilang tao o insitusyon ay dapat maipamahagi at pakinabangan ng lahat ng tao; Na ang mga pinuno’y dapat tagaganap lamang ng lunggati at nais ng taumbayan imbes na diktahan ang taumbayan; Na ang mga manggagawa’y dapat magtamo ng pakinabang sa lahat ng kanilang pinagpagalan. Ang banggit hinggil sa uring manggagawa ay ikayayamot ng mga maykayang sina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy dahil manganganib ang kanilang ari-arian at malalagay sa alanganin ang seguridad ng kanilang buong angkan.
Pambihira ang ginawang taktika ni Santos sa kaniyang nobela upang mailahad ang kaisipang sosyalista. Masinop niyang ginamit ang usapan nina Delfin at Felipe, bukod kina Don Ramon, Don Filemon, Ruperto, at Madlang-Layon, upang maitampok ang mga hiyas na diwain. Ang nasabing kaisipang sosyalista ay hindi purong sosyalismong inangkat lamang nang buo sa Europa, bagkus hinugisan ng bagong anyo upang iangkop sa mga pangyayari sa Filipinas at nang maangkin ng mga Filipino. Mapapansin kung gayon na ang presentasyon ng karukhaan, inhustisya, at kalagayan ng uring manggagawa sa nobela ay malayo sa sitwasyong industriyal ng Europa, ngunit iniangkop sa piyudal na sistema sa Filipinas. Ang problema lamang ay lumalabis kung minsan ang salitaan, at animo’y nagtatalumpati ang mga tauhan na siyang maipupuwing sa punto de bista ng sining sa pagkatha. Ang pananaw na sosyalista ay tutumbasan sa nobela ng mapapait na karanasan ng mga dukha, mulang panlalait at pag-aaglahi hanggang tandisang pananakit at pangigigipit mula sa anak at alila hanggang obrero at magsasaka. Dito bumabawi ang nobela, dahil ang mga tauhan ay nagkakaroon ng gulugod, at ang kanilang paghihimagsik sa dustang kalagayan ay hindi lamang basta hinugot sa aklat bagkus sa tunay na buhay.
Estetika ng Nobela
Ginamit sa Banaag at Sikat ang bisa ng ligoy at paghihiwatigan ng mga Tagalog noon kaya mapapansin ang mabubulaklak na usapan. Ang nasabing paraan ng komunikasyon ay nagpapamalas ng mataas na konteksto ng usapan at ugnayan, na nagpapatunay na ang mga Tagalog ay malaki ang pagpapahalaga sa kausap na maaaring matalik sa kaniyang puso kung hindi man “ibang tao.” Naiiba ang naturang komunikasyon sa gaya ng komunikasyon ng mga Amerikano, na ang ibig palagi ay tahas ang usapan, at walang pakialam sa niloloob ng kausap.
Ang mga usapan ay nabubudburan ng mga siste, at ang kabastusan ngayon ay binibihisan noon ng mga talinghaga upang maikubli ang kalibugan, kalaswaan, at kasaliwaan ng mga pangyayari. Maihahalimbawa ang usapan nina Meni at Delfin sa bakuran o sa Antipolo, o nina Felipe at Tentay sa isang dampa, o kahit ang landi ng mga tagpo sa panig ng tatsulok na relasyong Ã‘ora Tentay, Don Ramon, at Julita, hanggang sa pahabol na pagliligawan nina Ruperto at Marcela sa dulo ng nobela.
Kahanga-hanga ang lawak ng bisyon ni Santos sa pagkatalogo ng mga pangyayari, at sa mga paglalarawan ng mga tauhan, tagpo, at tunggalian. Mulang sinaunang pamahiin sa pagbubuntis ni Meni hanggang lumang paniniwala sa paglilibing kay Don Ramon, nahuli ng awtor ang kislot ng guniguni ng karaniwang Tagalog at ito ang mahirap pantayan ng mga kapanahong akda ng Banaag at Sikat. Maihahalimbawa ang detalyadong paglalarawan sa Antipolo, na maihahambing noon sa Baguio at iba pang tanyag na resort ngayon, at kung paanong ang pook na ito ay kapuwa nagtataglay ng kabanalan at kalaswaan. Pambihira  rin ang deskripsiyon mula sa limbagan, at maiisip kung gaano kabigat ang ginagawa noon ng mga trabahador sa imprenta; o kaya’y ang paglalahad sa hirap na dinaranas ng mga Filipino na napipilitang sumakay ng barko upang makipagsapalaran sa iba’t ibang bansa. Sa paglalangkap ng diyalohikong agos ng mga pangyayari at diyalohikong usapan ng mga tauhan, nakalikha si Santos ng kahanga-hangang kaisipang nakapaghahayag ng panukalang sosyalismong Tagalog para sa Katagalugang kumakatawan sa buong bansa, ayon sa sipat ng Katipunan.
Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan. Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni Santos noon, at siyang ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng gayong diwain sa kani-kaniyang anak. Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing napapanahon na, at sumisikat na sa kaisipan ng bagong henerasyong nasa alaala na lamang ang gaya ng Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at Bangsamoro. Gayunman, makabubuting magbasa muna ng aklat, at basahing muli ang Banaag at Sikat, nang matiyak nga kung anong silakbo ang iniwan ni Lope K. Santos sa kaniyang mga kapanahong manunulat at siyang umaalingawngaw pa rin magpahangga ngayon sa ating piling.

Pasasalamat:
            Naapapasalamat ako sa alimbungad.com dahil dito ko nakuha ang kopya ng banaag at sikat, maraming salamat.

Repleksyon:
            Hanga ako samagkaibigang Delfin at Felipe dahil sa kabila ng pagkakroon nil ng magkasalungat na paniniwala nagkakasundo parin sila sa iisang disisyon na kung maikukumpara natin ngayon ay imposible ng mangyari. Kaya nagpagisipisip ko na kung ang lahat ng tao ay mag kakaroon ng pagkakaisa hindi imposibling magkaroon ng mapayapang buhay ang lahat ng tao sa mundo.

Ang kalupi ni Benjamen Pascual

                             Ang Kalupi
                              ni Benjamin Pascual





Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa hapong iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pang  sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit ho?” ani ‘to.
“E … e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pitaka sa inyo.”
“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang luha at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat  sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, at lumabas ang isang maruming panyolito, basang uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad … isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang ebidensya. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, may  sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiya  Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto  n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangay na bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat  ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umiimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin;  sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”
May himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at direksyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot.  Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka … saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E … e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saa pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?



Pasasalamat:
            Nagpapasalamat ako sa Pandiwa.com dahil sa kanila ko nakuha ang kopya ng kuwentong ito, maraming salamat po.
Repleksyon:
               Dito sa kuwentong ito maraming matatamaan dahil tayong mga tao hindi natin maipagkakaila na mapanghusga tayo, lalo na ngat ang tinitingnan natin sa tao ay ang pisukal nitong kaanyuan. Kaya sana nga mabasa ito ng maraming pilipino upang mamulat sila sa katutuhanan na ang panghuhusga o pamimintang sa isang tao na hindi naman natin lubusang kakilala ay hindi makakadulot ng maganda sa atin.