Martes, Oktubre 9, 2012

Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal

                         
                                           Noli Me Tangere
                           ni Dr. Jose P. Rizal
                 Apat na kabanata na nagpapakita ng simula hanggang wakas ng Noli Me Tangere at ang mga tauhan na gumanap sa mga kabanata na ito.

Kabanata 7:Suyuan sa Asotea

“Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon.

Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.

Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.

Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.”

Kabanata34:Ang Pananghalian

“Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso.

Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.

Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.”

Kabanata 54: Walang Lihim na di Nabubunyag


Ipinahayag ng kampana ang pananalangin para sa paglubog ng araw;[1] sa pagkarinig ng tugtog na iyon, ang lahat ng tao ay iniiwan ang kanilang mga gawain at pinagkakabalahan: ang magsasakang galing sa bukid ay itinigil ang kanyang pag-awit, pinahinto ang lakad ng sinasakyang kalabaw at nagdasal; ang mga babae ay nag-antanda sa gitna ng mga lansangan at pinagagalaw ang kanilang mga labi upang hindi pag-dudahan ng sinuman ang kanilang debosyon; tinigilan ng lalake ang paghimas sa kanyang manok at nagdarasal ng Angelus upang siya ay dapuan ng kapalaran; sa mga bahay-bahay ay malalakas ang dasalan… ang anumang ingay na hindi dahil sa Aba Ginoong Maria ay nawawala, napipipi.

Gayunman, ang kura, na nakasumbrero ay matuling lumakad sa daan, bagay na umiskandalo sa mga matatandang babae,[2] at higit pang nakaiskadalo sa kanila (ayon sa napuna ni Donya Consolacion) na tinungo ang bahay ng alperes![3] Naisip ng mga mapanata na dapat munang itigil ang galawan ng kanilang mga labi upang halikan ang kamay ng kura, subalithindi sila pinansin ni Padre Salvi; sa oras na iyon ay hindi siya nasisiyahan na ilagay ang kanyang mabutong kamay sa ibabaw ng ilong ng isang babaing Kristiyana upang mula roon ay lihim na padulasin sa dibdib ng isang magandang binibini na nakayukod at naghihintay ng bendisyon. Marahil ay mahalagang bagay ang nasa kaniyang isipan niya upang malimot ang mga kapakanan ng sarili at Simbahan.
Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Mga Tauhan:

            
      Crisostomo Ibarra                                          Maria Clara

                 
             Elias                                              Padre Damaso

                            
        Padre Salve                                      Donia Victorina


        
      KApitan Tiyago                                 Pilosopo Tasyo

Replksyon:  

             Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa dalawang taong tunay na nag iibigan ngunit, sa bandang huli ay hindi magkakatuluyan dahil kahit anung gawin nila at kahit gaano kalakas ang kanilang pag iibigan hindi puwedengn maging sila dahi, mortal na magkaaway ang ama ng babae at ang kanyang kasintahan . Ang moral na aral ng nabelang ito ay, may mga bagay sa mundo na hindi talaga para sayo,pero may nakatadhanang bagay na ibibigay ang diyos para sayo.
             bago ko tapusin ang repleksyon kung ito nagpapasalamat ako sa "Ang Blog ni Paurong", dahil sayo ko po nakuha ang kopya ng mga kabanatang ito.  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento