Sabado, Setyembre 15, 2012

Sa Tabi ng Dagat

                                       

                                        Sa Tabi ng Dagat                                                   


Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…

Repleksyon:

                           Para sakin ang kantang ito ay nagpapaalala sa atin na ang pag ibig , gaanu man ito ka perpekto duamaraan ito sa mga pagsubok. Nag papaalala din itong kanta na to sa atin ana ang lahat ng bagay ang may hangganan at lahat ng ating mga nararmdaman ay nawawala ring marahang marahan. Bago ko pala to tapusin , taus puso po akong nagpapasalamat sa WikiAnswer dahil sa kanila ko po nbakuha ang kopya ng kantang ito maraming salamat po.

                                     


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento